ANG KONSEPTO NG EASY AT TIGHT MONETARY POLICY SA PANANALAPI

Ang EASY MONETARY POLICY sa pananalapi at isinasagawa ng Bangko sentral ng pilipinas (BSP) kapag ang presyo ng mga produkto ay istabilisado,kapag ang reserba ng dolyar ay sapat dahil kayang tustusan ang anumang pangangailangan ng reserba.
Paiiralin ang EASY MONETARY POLICY sa pamamagitan ng mababang interes,nakaakit na kredito at madaling paraan upang makakuha ng pondo.kapag marami ang pera sa kamay ng negosyante,hahantong ito sa mga bagong negosyo na magbubunga naman ng sigla o paglago ng ekonomiya.kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon,maaaring mangyari ang ss:

•tataas ang importasyon,kaya ang reserba ng dolyar ay bababa;

•dahil sa marami ang pera sa kamay ng tao,tataas ang demand para sa mga produkto
at serbisyo na maaaring makapagpataas ng presyo;

•at dahil ang empleyo ay mataas,tataas din ang presyo,kaya’t ang mga manggagawa ay hihiling ng mas mataas na sahod,magiging dahilan ito upang tumaas ang gastos;at

•at kapag mataas ang gastos,magpapataas ito sa presyo.

bAtay sa mga nabanggit na kalagayan,ang ss.ay maaaring gawin ng BSP upang maiwasan ang pagkakaroon ng implasyon.ang BSP ay magpapairal ng TIGHT MONETARY POLICY.Sa madaling salita,ang BSP ay magpapairal ng isang mahigpit na patakaran sa pagpapahiram ng pondo sa mga bangkong komersyal.Ang ss. ay maaaring isagawa ng BSP.

•bATAY SA kanyang kapangyarihan,maaaring babaan ang suplay ng salapi sa
pamamagitan ng mga bangko.Ang mga negosyante ay mahihirapan makakuha ng pondo

•Dahil nabawasan ang paggasta ng produksyon,magbabawas ng manggagawa kaya’t
magkakaroon ng kawalan ng trabaho

•Kapag marami ang walang trabaho,mababa ang pagkonsumo,bababa ang paggasta ng
negosyo na hahantong sa pagbangon ng produksyon.

Sa kabuuan,kinakailangang maisaayos ang suplay ng salapi upang maiwasan ang pagtaas at pagbaba ng produksyon sa pamamagitan ng BSP,magiging gabay kung gaano karaming salapi ang kakailanganin ng ekonomiya upang lumago ito,subalit wala nang garantiya ang pamahalaan,mawawala rin ang bisa nito.


One Response to “ANG KONSEPTO NG EASY AT TIGHT MONETARY POLICY SA PANANALAPI”

  1. […] ANG KONSEPTO NG EASY AT TIGHT MONETARY POLICY SA PANANALAPI […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: